Pages

Monday, August 23, 2010

Kaarawan 2009

Oh well...
Let me start another post =)
Since it's August (Buwan ng Wika)...
Ako'y hayaang magsalita sa Filipino =)

A Message From God -- from Facebook










 ... Ito 'yong mensahe sakin ni God noong panahon na ginagawa ko ang post na ito.
Tamang-tama kasi marami naman talagang biyaya at regalong ibinigay sakin ni God =)
Pag regalo ang pinag-uusapan... laging andiyan ang birthday/kaarawan!
Diyan madalas nakakatanggap ang isang tao ng regalo =)
Bukod pa sa birthday ay nandiyan na rin ang Christmas (gift-giving time)... New Year... Anniversaries... Binyag... Kasal... etc. =)



Ikaw? Naranasan mo na bang mabigyan ng regalo sa mga karaniwang araw ng buhay mo?
Iyong tipong wala namang okasyon eh binigyan ka nila ng regalo?
At iyong tipong hindi mo naman hiningi eh kusang dumating =)
Aba! Araw-araw nangyayari yan... Tayo ay nabibiyayan ng Diyos ng mga bagay bagay na kinakailangan natin upang magpatuloy ang ating buhay...

Naalala ko tuloy noong unang pasukan ngayon semester na ito...
Nasurpresa ako sa dalawang kaibigan ko (classmate ko) na nagbigay ng munting regalo para sa akin...
Nahiya nga ako eh kasi wala man lang akong naibigay sa kanila...
Salamat sa tatlong panyo C at salamat sa Subic bracelet Kitty. =)

Ayun, napalayo sa topic ko...
Ang post na ito ay pinamagatang "Kaarawan 2009"...
Ito lang naman ay isang post para magpasalamat sa mga taong nagbigay ng munting regalo sa aking kaarawan noong nakaraang 2009 =)

Salamat sa nagbigay ng mga sumusunod na regalo:

From my Best Buddy























... Syempre, uunahin ko diyan ang regalo sa akin ng best buddy ko... =)
Kahit ang regalong iyan ay hindi naibigay sa mismong araw ng aking kaarawan... Iyan parin ang regalong pinakaTUMATAK sa aking puso't isipan... Ang regalong nagbago ng aking buhay Colegio de Dagupan... =)
Sa totoo... ang sulat na nakalakip sa regalong iyan (ito po ay elektroniko)... ang sadyang nagdulot ng kakaibang tuwa, saya at inspirasyon sa akin!... Iyon na siguro ang sulat na PINAKAMASARAP basa-basahin... Halos memoryado ko na ata iyon dahil lagi kong binabasa noong mga panahong iyon... Pero may mga sumunod ding sulat na nabigay sakin (noong christmas na iyon) ang sadyang nagpaiyak at nagbigay inspirasyon sakin hehe (sulat ba sa likod ng larawan?) =)
Kung gusto niyong mabasa ang sulat ng bestbuddy ko sa akin,,, nasa Google Cache lamang siya... itype niyo lang "Count on Me Bilangin mo Ako"... =)

From a close friend (international din siya)















...Pag titignan niyo, pareho ang gift na ito doon sa itaas na gift.. hehe actually mas malaki ang gift na ito kesa doon sa itaas... Naaalala ko tuloy noong binuksan ko iyong gift na ito haha... nahiya na ung bestbuddy ko na ibigay ung gift niya kasi pareho daw sila... haha hindi naman importante sakin un eh... kasi di 'yon ang tinitignan ko...
Ang nagbigay sa akin ng regalong ito ay mayroong ding kalakip na sulat (weee!) haha touched na naman ako... =) Nagpapasalamat talaga ako sa taong nagbigay ng regalong iyan!... Siya ung taong LOYAL parin sakin kahit madalas wala akong panahon sa kanya... T_T Pasensiya ka na ha =)





















...Nathaniel at Armando Caruso? Grabe ah... mayaman! =) Hehe.. isa itong taong ito sa pinakamabubuti kong kaibigan... Lagi nga akong nililibre nito sa KFC =) Nasan na kaya iyong nagbigay sakin nito...? Musta na kaya siya? Alam niyo bang mahilig ako sa Nathaniel =) hehe... salamat talaga!































...At ang dalawang regalo namang iyan ang medyo nasurpresa din ako... Biruin mo... hindi ko pa sila ganun ka-close eh binigyan nila ako ng regalo.. =)
wow.. at talagang binalot pa nila =) Pero close ko naman na sila ngayon =)
Mejo natuwa din ako kasi yang isa diyan eh katulad ng regalo din sakin noong 2007 ata o 2008 na kaarawan ko hehe =)


Ayun! May mga regalo pa akong natanggap na hindi ko na nailagay dito....
Noong nakaraaang kaarawan ko... 2009... nakatanggap din ako ng damit galing sa nanay ko at ate ko ata ung isa hahaha...
Nakatanggap din ako ng perang limang daangaling sa kuya ko at mga mensaheng nakakainspire galing sa mga kaibigan ko =)


Handa na ba ako sa susunod kong kaarawan?
2010... =)
Debut ko na pag dumating iyon!
Bente - Uno... Handa ka na ba?...

Abangan ang susunod kong post para sa aking
BIRTHDAY WISH LIST =)

Salamat kung nagbasa ka =)

No comments:

Post a Comment