Pages

Tuesday, August 24, 2010

BIRTHDAY 2010 WISHLIST =)

Maligayang Kaarawan Sir VPA... =)
Wala lang... Kung hindi dahil sa kanyang kaarawan, tiyak nasa eskuwela pa ako hanggang ngayon at hindi ko pa ito maisusulat =)...

May isa pang dahilan kaya nakauwi ako ng maaga...
Basta... huwag niyo ng alamin... NALUNGKOT lang ako T_T kaya nagdesisyon na rin akong umuwi at magkulong dito sa kuwarto ko kasama ang PINAKAMATALIK kong KAIBIGAN -- si Internet! =)

Salamat naman at nakadalaw kayo sa aking blog...
Naku, wag na kayong magsayang ng oras sa pagbabasa nito...
Lalo na itong post ko na ito...
Puro lamang pantasya at kaimposiblehan ang mga isusulat ko ngayon!
Pero kung mapilit kayo, sige na nga...
ito na ang mga KAHILINGAN ko sa darating kong kaarawan *yipee!*

WISHLIST
binubuo ng dalawang salita -- "WISH" at "LIST"
Ano ba ang ibig sabihin ng salitang "wish"?
... A wish is a hope or desire for something. (oh ayan na ah)
Eh ang "list"?
... a database containing an ordered array of items (names or topics) (oh pang-IT naman!) haha....

So here is my BIRTHDAY wishlist:

  • HUGS and KISSES
Siguro makokompleto ang birthday ko if my family or my friends will give me some hugs and kisses =) Pero syempre mas prefer ko ang HUGS... Gusto kong maranasan na i-group hug ako... ung friendly hugs ba?... O kahit akbay lang or tapik sa balikat... masaya na ako =) Kiss? masyado naman na iyon... siguro sa nanay ko o sa tatay ko T_T Hindi ko pa sila kasi nakikiss ulit simula noong naging masiken (matanda) ako haha!... Sana naman paggising ko eh ikiss ako ng nanay o tatay ko at sabihing "Anak, happy birthday"...
Siguro ang saya saya ko noon! Kahit wala ng handa-handa okay na sa akin =)...
Gusto ko ring maranasang i-hug ako ng mga friends ko isa isa haha... kahit hindi hug, kahit akbay lang... wala pa atang gumawa sakin nun.. Ung tipong "Happy Birthday Chad!" sabay akbay tapos sabay sabi "Picture tau!" =) hehe...

  • HUGE/LARGE/BIG GIFT
wahehe...! Gusto ko ring maranasang makatanggap ng MALAKING REGALO... as in ung size ang tinutukoy ko ah... hindi ung presyo! haha =))...
Gusto kong makatanggap ng regalong halos hindi ko na mabuhat kasi mabigat at iyong tipong mahihiya akong isakay sa jeep kasi sa sobrang laki nito =)

  • EXPENSIVE GIFT
Aba! Eto naman ung mga regalong tipong pinagipunan talaga... Gustung-gusto ko ring makatanggap iyong regalong mamahalin... Iyong tipong hindi ko na ipapahawak kahit kanino kasi talagang mahal iyon... Nagsasawa na kasi ako sa regalong pera haha... gusto ko naman ibili nila ng regalo un at bigyan ako ng oportunidad para buksan ang balot na nakapalibot dito hehe... at pagbukas ko masasabi kong "aw! nakakahiya naman! baka hindi ka na kumain para lang mabili ang regalong ito!" hahaha

  • GIFTS INSIDE GIFT
Gusto kong makatanggap ng regalong punung - puno ng regalo sa loob ng regalo... hehe
ung tipong may malaking box at pagbukas ko ng box eh super daming gifts pala sa loob... ung mga pinagsama-samang gifts ng mga kaibigan ko =) Kung gusto mo naman ikaw lang magbibigay ng isang box pero pinuno mo iyon ng regalo sa loob haha... samo't-saring laman =) Naku! masaya iyon!

  • SURPRISE PARTY (NO EXPENSE BIRTHDAY)
Wow! Maganda ito kasi makakatipid ako... Ito ung regalong hindi gagastos ang may birthday maski PISO =) Gusto ko iyong tipong hindi ako nagimbenta... tapos darating sila ng house ko at may mga dalang handa... tapos sila ang magbibigay ng party para sa akin hihi,,, sarap siguro noong pakiramdam noon... tipid pa! Tamang-tama ito ngayon kasi wala akong handa kasi WALA KAMI PERA haha =)

  • BLOW A CANDLE
Parang pambata pero gusto ko ring maranasan magblow ng candle or candles if mayaman ka haha! Kasi never ko pang natry ito sa lahat ng birthday na nagdaan... ewan ko lang noong bata ako.. baka nakalimutan ko na haha =) siguro noong one year old ako nagblow na me ng candle kaso hindi ko na maalala... Gusto ko ung masusurpresa ako... may paparating na cake (kahit ayaw ko ng cake) tapos may nakatirik na kandila tapos may pangalan ako.. tapos magbloblow ako.. syempre hindi mawawala jan ang picture or video =)

  • WHOLE DAY TREAT
Aba masaya ito... Alam niyo... How I wish na may pumunta ng house ko at yayain ako sa mismong kaarawan ko... or kahit na sa hindi ko kaarawan... =) Yong tipong dadalhin niyo ako sa iba't ibang lugar from Morning till dinner... na libre niya lahat... Ganun ung gusto kong maexperience... =) Iyong tipong ililibre niya ako sa sine... magbubumpcar,...rides... laro laro... kain kain... lakad lakad... PRAY sa church... etc.  FREE lahat! hehe =) at tsaka pag uuwi na ako.. may bitbit pa akong regalo hehe at maraming pics na kuha namin! Ang saya! =)

  • TARPAULIN
Gusto ko pagdating ko sa haus eh may malaking tarpaulin na nagsasabing HAPPY BIRTHDAY BUNSO! =) O kaya naman pagpasok ko ng classroom eh may tarpaulin din na "MALIGAYANG KAARAWAN CHAD -- we love u!" haha.. mapangarap... saya pero noon! =)
magastos nga lang =) Paki ko! pede namang magcontribution! haha LOL... =)

  • MIDNIGHT CALLS/TEXTS
Gusto ko ung mga tipong magEEFFORT talaga para lang makipagunahan sa pagbati sa akin sa mismong unang minuto ng birthday ko =)
At mas maaappreciate ko if tatawagan ako at isang libong beses niyang sasabihing "happy birthday chad!" hehe =)

  • WHOLE DAY GREETINGS
Gusto kong makatanggap ng mensahe sa isang tao oras - oras na naglalaman ng iba't ibang mensahe... Halimbawa... itetext niya ako ng 6AM ng happy birthday.. pagdating ng 7AM text niya ulit ako pero may kalakip na message at pagdating ng 8AM another text ulit pero ibang message naman ung nakalagay... gusto ko hanggang 12midnyt... =)
In that way, kitang kita ko ang effort ng isang tao =)

  • FRIENDLY LOVE LETTERS
Isa ito sa mga hinahanap ko sa tuwing ako'y nakakatanggap ng isang regalo... Madalas sa mga kaibigan ko ay naglalakip ng mga sulat sa tuwing sila'y nagbibigay sa akin ng regalo... Mas gusto ko ang mga SULAT na sobrang haba at punung-puno ng pag-ibig... ung tipong mapapagod akong magbasa at maiiyak ako =) hehe... =) =) =)

  • COMPOSITION, MASTERPIECE, ARTWORK, ETC.
Gusto ko ring maranasan ang makatanggap ng isang TULA na gawa ng isang tao para sa akin... mas magiging masaya kung babasahin niya ito sa harapan ko or ipupublish niya ito sa internet para public hehe... PROUD siya...
Kung hindi naman siya makata... maaari na rin ang isang PAINTING, SKETCH, o DRAWING =)
O kaya naman mga bagay bagay na gawa ng UTAK at ISIPAN... kasama na ang PAWIS at DUGO =)... pedeng ORIGINAL COMPOSITION ng song, video, animations, presentations, etc. etc. =)) at ung mata-touch dapat ako =)


  • FIREWORKS
Gusto kong maranasan sa aking kaarawan ang makakita ng fireworks doon mismo sa tapat ko at nagsisigawan ang mga tao ng "hapee birtdeeeey chaaadd!!!" hehe

  • IT PROJECT
Bilang isang IT people, gusto kong makatanggap ng regalong gawa sa technology... Gusto ko ung tipong BUONG RUNNING SOFTWARE na dedicated lang sa aking buhay... O isang website na puno ng laman na para lamang sa aking kaarawan =) O isang GAME na ginawa para lamang sa akin hehe =) basta mga ganun! and the likes! =))

  • GADGET
Nais ko ring makatanggap ng mga gadget... Iyong matatakot akong ilabas kasi baka nakawin ng mga masasamang loob hehe.. IPOD syempre! matagal ko ng wish un...! DIGICAM -- picture lover ako...! All about computers... flash drives... external HDD!!! TERABYTES!!! Laptop! haha dumodoble eh hahaha =)) CELLPHONE! Ung pedeng dual sim! basta wag china phone!!!... Electronic Frame... DVD Player... Robot... haha at kung anu ano pa!

  • PUBLIC ANNOUNCEMENT
Nais kong maramdaman sa isang tao iyong IPAGSISIGAWAN niya sa buong classroom na BIRTHDAY NI CHAD NGAYON!!! Gustung-gusto kong madama ko na special ako sa isang tao... iyong tipong isisigaw niya sa buong UNIVERSE na birthday ko at dapat tayo'y magdiwang =) Gusto kong maramdaman at makita na PROUD sila sa akin =) Ipost sa facebook... ipost sa lahat ng webpages.. sa TV sa RADIO... sa lahat lahat ng media haha =) sa personal... at sa publiko... =)


  • PRESENT
Nais kong makakita ng isang BUONG KANTA o ISANG BUONG DULA o ISANG BUONG SAYAW na iaalay sa akin ng isang tao o isang grupo.... tapos after niya or nila gawin iyon ay sasabihin nila sa harapan ko ang kanilang mga mensahe at mga wishes para sa akin =)
Aba... galing nun!

  • INSTRUCTIONAL GIFT
Gusto ko rin makita sa isang handog ang creativity at imahinasyon ng isang tao o isang kaibigan =) Gusto ko ung tipong papagurin ako sa kakagawa ng mga steps.. at bigla bigla na lang eh may regalo na pala ako hehe.. un bang may mga instructions na gagawin ko at biglang... VOILA! surprise! hehe... =)

  • UNIQUE / PERSONALIZED
Gusto kong makatanggap ng damit na may pangalan o litrato ako.. o damit na may kinalaman sa akin... o kaya naman if hindi ko matatanggap eh nakasuot sa kanilang lahat at sasalubong sila sakin at babatiin ako... aba! astig un!.... nakasuot sila ng damit na may nakasulat na "Happy Birthday Chad" :( huhu galing noh? hehe ... o kaya naman... mga gamit pambahay or pang eskwela na talagang kakaiba at magtatagal =)

  • ANONYMOUS PRESENT/GIFT
Gusto ko rin ng mga regalong misteryoso... iyong regalong hindi ko alam kung kanino nagmula.. iyong handog na hindi ko alam sino ang gumawa... =) Masarap maging detective... tapos magugulat na lang ako after 3 mos. "WOW THANK YOU.. ikaw pala nagbigay nun T_T"... hehe
  • PRIORITY AKO
Gusto kong makaranas ng kaarawang ako lamang ang PRIORITY... ung tipong isasakripisyo nila lahat ng mga GAWAIN nila para lang magbigay ng panahon sa akin =) Maski gaano kaimportanteng bagay na kanilang gagawin ay sisikapin nila akong mapasaya at masamahan =) hehe...Ang pinakaIMPORTANTE sa akin ay hindi ang materyal na bagay... KUNDI ang mga PANAHON (TIME) ng isang tao sa akin =) Tinitimbang ko ang isang kaibigan hindi sa daming naibigay sakin nito na mga materyal na bagay kundi sa PANAHONG nilalaan sa akin nito... Nais kong makita sa kaarawan ko ang mga kaibigang "TOTOO" -- ung mga walang halong KONDISYONES... ayaw kong maging OPTION lang ako lalo na kung kaarawan ko... Ayaw ko din sa mga taong sasamahan lang ako kasi sasama iyong iba... Gusto ko ang ONE-to-ONE na samahan.. hindi iyong iiwan ako kasi iniwan ako ng iba =)... Gusto kong makatanggap ng REGALO na hindi mabibili kahit saan... Iyong regalong may halong SAKRIPISYO at PAG-IBIG... Gusto kong makilala ang mga taong hindi marunong tumingin ng SCHEDULE... =) at mga taong WALANG PAKIALAM sa kung anong oras pa man yan.. o kung saan pa man iyan =)

  • ATBP.
Aba.. bigla akong napagod.. nagising ako sa katotohanan... Parang malabo ang mga pinagsusulat ko sa taas... Kung meron pa kayong maiisip na HIHIGIT pa sa mga naisulat ko sa itaas.. ay wag niyo ng isipin... gawin nu na =)
Kasi tumatanggap ako ng mga regalo... BAGO, MISMO, at PAGKATAPOS na kaarawan ko haha =))
Pare - pareho lang ang treatment ko sa mga handog sa akin... kahit anong araw pa man iyan... Ngayon.. bukas... sa 29... 30... Sept... Oct... haha 2012? kahit kelan...
Ang mahalaga naman sa akin ay IYONG HANDOG na TUMATAGAL sa ISIPAN ko at sa PUSO ko...
At iyong handog na BUKAL sa loob mo... Iyong handog na hindi mo pinagsisisihang maibigay o masabi =) Iyong handog na handa kang panindigan hanggang huli... ang mga handog na galing sa puso hindi dahil sa napilitan lang =)
Kung sakaling wala mang matupad sa mga pinagsusulat ko sa itaas... Ako parin ay umaasa na sa mga susunod na araw, linggo, buwan o taon... ay UNTI-UNTING makakamit o mararanasan ko rin ang mga nakasaad sa itaas =)
Siguro kung hindi man sa akin, ay SA KANILA ko ipaparamdam ang mga ito =)
Aba! PAALAM NA...
Inaatake na ako ng migraine ko =)

SALAMAT sa PANAHON (TIME) =)

Hanggang sa muli =)

- The LORD will fight for you,
you need only to be still -

3 comments:

  1. ADVANCE HAPPY 21st BIRTHDAY CHAD!!!

    maybe i can't give all your wishes to you but i can you the true and real person/friend you're looking for.....and i'm proud to say...That's Me!

    anonymous:

    ReplyDelete
  2. haha..grabe..ang gandang basahin..astig..at mdrama...nice chad".

    ReplyDelete
  3. Sino pala itong anonymous na ito?
    Thank sa iyo =)
    Pakilala ka ah! haha
    LOL >:D<

    ReplyDelete