Pages

Monday, December 7, 2009

Mga mensahe ko sa iba't - ibang tao sa buhay ko


Well, mediyo sinisipag akong magsulat sa blog ko ngayon :)
Eto lang naman ay parang  "GUESS WHO?" sa showbiz haha :)
This is how it works:
A.) Message at mga katanungan ang nakasulat dito.
B.) Ito ay nakaaddress sa iba't-ibang tao sa buhay ko :p
C.) Ang mga pangalan nila ay itatago ko sa numero (ascending 1,2,3,4...,n) para hindi makilala...
CLUE: Mga tao sila, kaibigan ko sa eskuwela:
ELEMENTARY(Babasit Elementary School), 
HAYSKUL(San Jacinto National High School), 
at KOLEHIYO(Our Lady of Manaog College and Colegio de Dagupan) :)
START:


To #1: Alam mo bang miss na miss na kita? Dati akala ko puro laro lang lahat. Kung dati isang tawid ko lang eh bahay niyo na, eh ngayon, kailangan ko pang sumakay ng eroplano para makapunta sa kinaroroonan mo. Ilang taon na rin iyon ah, hindi mo ba ako namimiss? O marami ka ng bagong kaibigan? Kung online ka at online ako, madalas mangyari eh magooffline ang isa na hindi man lang nakachat ung isa... Siguro nga tingin natin sa isa't - isa eh busy na tayo... Well, just "buzz" me up... di ako busy lalo na sa iyo... TAGAL na kasi ung last tayong nagkita eh :(

To #2: Bakit naman ganun? Alam mo naman ikaw ang tinuturing kong bestfriend ko sa ngayon, lalo na sa skul natin... eh bakit naman parang ayaw mong tanggapin? Alam mo ba na para akong naghanda ng cake at niregalo sau at sasabihin mo na hindi ko dapat sau ibigay un at dapat ibigay ko un sa iba? Masakit un... Sa tingin mo maibibigay ko pa sa iba un? Eh kaya lang naman ako nageffort gawin ung cake na un para ibigay sau? Hmp!... Mahirap tanggapin talaga... Di naman basta basta ang pagpili ng bestfriend eh... Mabuti nga may nagsasabi pa sau niyan eh... Alam mo nung hayskul ako... TUWANG - TUWA ako pag may nagsasabi sakin na bestfriend niya ako... parang feeling ko napakabait ko :) Sana nga may magsabi pa sakin nun ngayon... ung turing niya sakin BFF niya ako... Mejo malabo na ata un sa panahon ngayon lalo na ngayong masama na ata ako hehe... Basta bestfriend parin ang turing ko sau kahit ano pang sabihin mo... mahirap na kasing ibaba ang rangko ng isang tao... lalo na kung napaka-espesyal na ito sa iyo... Alam mo rin bang lagi akong nagtatampo sa iyo kasi pag tatlo tayo eh madalas siya lang kinakausap mo... kayo lang lagi nakakarelate sa isa't - isa.. Pero ayos lang un, kasi maraming panahon naman na dalawa lang tayo magkasama sa skul at dun ung time na nakakarelate ako sa iyo at ganun ka din sa akin..  basta... Malaki pa rin ang pasasalamat ko sa iyo kasi ikaw palang nakapasa sa standards ko... Salamat ah... =_=

To #3: Ikaw ang tumayong bestfriend ko nung nawala si #1 sa skul natin, MARAMING SALAMAT doon... Never mo na akong iniwan nung nawala sakin si number 1.. Ikaw ung naging kasama ko sa LAHAT ng LAKARIN mo... lagi mo akong niyayaya sa lahat ng lakad mo... at ganun din naman ako sa iyo... super talino mo sa lahat ng subjects! pasensiya kung di ko sa iyo nasabi ito sa personal.. :) Thanks pala ha... pati sa pagtabi mo sakin sa upuan simula 2nd year hanggang 4th year hayskul, IKAW lang talaga ang naging katabi ko lagi sa upuan at pati sa pag-uwi :) Salamat salamat salamat doon... Nakakamiss ka na rin... kasi busing-busy ka na ngayon sa iyong practice teaching... tapos simula nung nagkolehiyo ka na, ay super dalang narin tayong magkita at magkausap sa chat or text... :) Don't worry I'll do my best to keep in touch with you,,, :)

To #4: Asan ka na? Wala na akong contact man lang sa iyo... Ilang beses ko din tinext o tinawagan tatlong cp number mo eh walang response... hanggang tuluyang cannot be reached na lahat... hay buhay! pati e-add mo at e-add ng ate mo eh ilang beses ko ng in-e-mail.. puro deactivated na ata eh... Tapos wala pa kayong account sa FS or sa FB :( Paano na kita muling makikita...? Akala ko nung bata ako eh magiging TAYONG DALAWA :( Isa lang pala iyong fantasy na nabubuo sa isipan ng mga bata... Pero aaminin kong crush na crush kita kahit noong bago tayo grumaduate ng hayskul... Naalala ko pa noong magkaiba tayo ng section pero sa pag-uwi eh nakakasakayan kita sa jeep... Grabe ang hiya ko noon, tapos kada salita ko ay nauutal ako at nanginginig... Kung maaari nga ay di kita pansinin sa jeep dahil sa pagiging torpe ko noon... Sayang nga at hindi na maibabalik iyon, sana kinausap na lang kita ng kinusap nung highschool para naging mas close tayo... matanda na ako ngayon, matanda ka na rin.... Hindi ko na alam kung okay ka ba at kung nasan na kayo... Siguro magkikita na lang tayo pag may mga anak na tayo... Basta! Mahal na mahal kita... Mag-ingat ka lagi ah :)

To #5: Hay, tulad ni #1, nasa ibang bansa ka na rin, nagulat talaga ako noong binalita mo sa akin na lilipad ka na... Tumiming pa iyon sa oras ng pagpapaenroll natin... Masaya pa tayo noon na sabay tayong magpapaenroll ngunit.. nung iinform na kitang magpapaenroll na tayo eh bigla namang "lilipad na ako" ang reply mo :( Nagulat talaga ako noon... Di ko matanggap na iiwan mo na ako :( Alam mo bang muntik na akong mahulog sa iyo? Kaso pinipigil ko lang iyon kasi alam kong may BF ka... tapos ayun... lumipad ka na nga.. gumuho ang mundo ko.. halos ilang beses din kitang iniyakan.. then one day, narealize ko na "masaya ka dun"... dapat masaya rin ako... hay buhay,,, sana lagi kang okay jan... kahit nasa magkaibang panig tayo ng mundo, ay dasal ko lagi kay God na alagaan ka niya... Maraming salamat at di ka nakakalimot sakin... lagi ka parin nag kikeep-in-touch kahit nasa malayo ka na... Thank You Very Much :) Hindi kita makakalimutan.. Kakain pa tayo ng giniling sa canteen diba? :(


To #6: Akala ko dati, sabay tayong gragraduate.. Noong una... nahihiya akong kausapin ka sa skul, pero mabuti binigyan tayo ni God ng opportunity para maging magkaibigan... Itinuring kitang KAMBAL KO sa skul... masyado kong naappreciate na ikaw pa nag-aadjust ng kukunin mong subjects para lang makasabay ako sa isang sem... Naalala mo pa ba na kahit international tayo eh pareho tayo lahat ng subject? Grabe... feeling ko talaga kahit na international ako eh block ako kasi kasama kita sa lahat.. lahat ng lakarin... Then one day, mejo naging active ka sa dance dance na yan... mejo nalonely ako kasi di na kita kasabay maglakad sa arellano kasi sabi mo may practice ka sa sayaw.. :( huhu isa un sa mga malulungkot ko na araw sa skul... lalo pa't wala na rin si #5... Tapos after one month eh ikaw naman ang nawala sakin... :( Aba! Ano ba ang binibigay sakin na mga kaibigan... puro tinuring kong MATALIK pero puro nagsiwalaan :( Halos gumuho ulit ang mundo ko... Ilang beses din kitang kinulit, kinontak.. at un naawa din ako sa kalagayan mo... Hay siguro nga kaya ganun na lang ako kaatat magkaroon ng bestfriend sa skul... kasi ayaw ko ng maulit na iwan pa ako :( Gusto ko kasi may kasama ako sa lahat ng lakarin ko... ung tipong ginagawa mo sakin.. lagi mo akong niyayaya sa mga lakarin mo.. :) tenks huh... sorry at hindi tayo matagal na nagkasama... tapos kung babalik ka man eh huli na kasi mauuna na akong grumaduate sa iyo :( pero I'm hoping parin na babalik ka sa skul at mag-aaral... Don't worry ako pa rin ito... kambal pa rin tayo.. Kung makahanap man ako ng bago kong kakambal... pede ka naman maging katriplet eh :) MISS YOU NA!!!


To #7: Alam ko nasasaktan na kita sa di ko pagsagot ng mga tanong mo :( Nahihirapan din ako... Tinatanong mo kung anong Stage na ang Relationship natin :( Di ko pa masagot.. Aaminin ko na naging gusto rin kita... at aaminin ko rin na naging gusto ko rin ung isa.. ung laging tinutukso rin sakin... :( Nalilito ako.. di ko alam.. siguro hindi ko pa nga nareach ang emotional maturity.. :( Sorry talaga... sana bigyan mo pa ako ng panahon... Diba nagkabf ka na? Nagselos ako noon eh.. di mo lang alam... hala! ano ba yan??? bakit ganito ang pag-big.. di ko nga alam kung pag-ibig ito or infatuation lang :( Sana lagi mong ingatan ang sarili mo... MISS YOU :D


To #8: Ikaw na ata ang pinakamatalino at baliw na nakilala ko... alam mo bang sa kabaliwan mong yan eh lalo akong napapalapit sa iyo... ang sweet mo rin kasi sa text eh... at napakanatural mong kumilos.. i think bagay tayo :) hehe.. Alam kong hindi ka handa sa mga ganitong bagay... masyado ka kasing busy sa skul life mo... alam mong ganun din ako :) Gusto ko lang naman malaman mo na "I CARE for YOU"... basta read mo lang ulit letter ko :) And alam ko na hindi mo ito mababasa :) malay mo after ilang years eh mabasa mo rin :) Natutuwa ako sa tuwing nakakatanggap ako ng text mo.. nagmamaktol ako sa tuwing di mo sinasagot text ko... tapos pag gabing gabi na.. anjan na ang reply mo... super touched ako :) Mamimiss talaga kita.. Isang taon nalang.. huhuhu T_T bye! GODBLESS US..


=====================
Ayan, 8 persons muna... 

MARAMI PANG KASUNOD :)
Till next time :)
=====================


Note: Don't assume na ikaw ang tinutukoy ko :)
Pero sana somehow, matamaan ka hehe.. :D
I LOVE YOU #s 1 to 8 :p

4 comments:

  1. Ang gulo.. Sino ba talaga sa kanila??
    Darating din ang time na pipili ka rin ng isa lang sa kanila..

    Lahat naman sila mukhang espesyal pero sino ba talaga ang pinakamatimbang??

    Sino si #7 at sino si #8?

    Nakakatuwang basahin.. parang future bob ong.

    ReplyDelete
  2. Hello =)
    Nakatutuwa namang isiping may gana kayong magcomment sa blog na ito haha =)
    Future Bob Ong? hala! Trip ko lang ito (=
    Wala akong pagsasabihan KAHIT SINO kung sino man ang mga naririto =)
    Problema niyo na iyan kung ano ang hula niyo :D
    well, Happy New Year =)

    ReplyDelete
  3. chad chad chad,,. ung #5 si xian bautista un noh.. haha mr and ms giniling

    haha haha haha...

    love it...
    :D

    ReplyDelete