Pages

Sunday, July 4, 2010

IGNORE. IGNORE. IGNORE.

Iyan ang pinakamasakit sa lahat =)
Kapag ang isang tao ay iniignore lang ang mga sinasabi o mga ginagawa mo T_T
Pagbabale-wala ba ang tawag doon sa tagalog?
Masakit diba?
Alam mo ba 'yong tipong kahit ulit-ulitin mo na eh wala ka paring matatanggap man lang na response o reaksyon. =) Astig diba?
Maraming nagsasabi na kapag binalewala ka daw ng isang tao eh MAGHINTAY ka lamang.
May mga tao talagang sadyang BUSY o HINDI HANDA na sagutin o magkomento sa mga bagay na sinasabi mo o ginagawa mo.
Pero bakit ganun, super tagal na akong naghihintay ng mga kasagutan sa mga sinabi ko o ginawa ko, WALA pa rin haha.
Siguro nga, may mga tao talagang WALANG PAKIALAM at hindi handang maglaan ng panahon para sa iyo =)
Patawa talaga ang mga ganun. T_T
May mga tao ding bigla na lang lalamig ang pakikitungo sa'yo na hindi mo alam ang dahilan nila.
O mga taong bigla na lang iiwas at MAGBABAGO. =)
Naku ha!... Ano magandang gawin sa mga ganun? *isip-isip*